SISTEMANG PANG-EDUKASYON: MULA NOON HANGGANG NGAYON
"Ang edukasyon ang tanging pamana na kailan man ay hindi mawawala. Ngunit hindi lahat ng hindi nawawala ay nananatili, h indi nananatili sapagkat may nagbabago. At ang pagbabago ay maaaring dulot ng pangangailangan natin na tugunan ang pagbabago ng mundo." Ang edukasyon ang proseso ng pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan upang mapaunlad ang mga katangiang pangkaisipan, pangangatawan, panlipunan, sikolohiko, at espiritwal ng isang indibidwal. Ito ay malaking impluwensya na humuhubog sa pagkatao ng bawat isa. Ang matagumpay na pagkakasulong nito ay nakadepende sa mga patakarang ipinapatupad. Madami na ngang patakaran ang ipinatupad upang maisa-ayos ang Sistema ng Edukasyon sa iba't ibang panahon. At ang pagbabagong ito ay nakadepende sa iba't ibang administrasyon na nagbibigay solusyon lamang sa hinihingi ng pagkakataon. ANO-ANO NGA BA ANG MGA SISTEMA NG EDUKASYON ANG IPINATUPAD SA BANSA? PANAHON NG PREKOLONYAL: Ang mga magulang ang nags