SISTEMANG PANG-EDUKASYON: MULA NOON HANGGANG NGAYON



"Ang edukasyon ang tanging pamana na kailan man ay hindi mawawala. 
Ngunit hindi lahat ng hindi nawawala ay nananatili, hindi nananatili sapagkat may nagbabago.
At ang pagbabago ay maaaring dulot ng pangangailangan natin na tugunan ang pagbabago ng mundo."


Ang edukasyon ang proseso ng pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan upang mapaunlad ang mga katangiang pangkaisipan, pangangatawan, panlipunan, sikolohiko, at espiritwal ng isang indibidwal. Ito ay malaking impluwensya na humuhubog sa pagkatao ng bawat isa. Ang matagumpay na pagkakasulong nito ay nakadepende sa mga patakarang ipinapatupad. 

Madami na ngang patakaran ang ipinatupad upang maisa-ayos ang Sistema ng Edukasyon sa iba't ibang panahon. At ang pagbabagong ito ay nakadepende sa iba't ibang administrasyon na nagbibigay solusyon lamang sa hinihingi ng pagkakataon. 

ANO-ANO NGA BA ANG MGA SISTEMA NG EDUKASYON ANG IPINATUPAD SA BANSA?


PANAHON NG PREKOLONYAL:
Ang mga magulang ang nagsisilbing guro at ang itinuturo ay ang mga praktikal na gawain tulad ng pagsasaka, pangingisda, pangangaso at mga gawaing pambahay. Ang mga anak ay natututo lamang sa pamamagitan ng obserbasyon at paggaya sa gawain ng kanilang mga magulang. Natututo din sila sa pamamagitan ng iba't ibang seremonya at ritwal.

PANAHON NG ESPANYOL:
Ang mga misyonero o guro ang nagsilbing guro ng mga Pilipino. Ang pokus ng pag-aaral ay relihiyon. Kung kaya't marami sa mga Pilipino ay malaki ang pananampalataya sa Panginoon. Ang visita o pansamantalang simbahan ang nagsilbing unang paaralan. Ginamit ang ating sariling wika sa pagtuturo ng iba't ibang aralin tulad ng doktrina ng Kristiyanismo, pagbibilang, pagsusulat, pagbabasa  at pag-awit. Mayroong primarya, sekundarya, tersyaryo at bokasyonal na antas. Sa panahong ito, ang kolehiyo ang nagsilbing pangsekundaryang paaralan. At noon ngang ika-19 na siglo naglabas ng pamantayan sa pagpasok sa Kolehiyo. Ang mga pamantayang ito ay ang mga sumusunod:
1. Kailangang dumaan sa tatlong Kurso: Clase Infirmo, Clase Media, at Clase Superior.
2. Dadaan sa pagsusulit bago hayaang makapasok sa kolehiyo.
3. Limang taong mag aaral sa kolehiyo upang makatanggap ng diploma ng "Bachiller en Artes" na magagamit sa pagpasok sa unibersidad. 

.    PRE-KOLONYAL              ESPANYOL


PANAHON NG AMERIKANO:
Ang mga sundalo ang nagsilbing guro ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano. Kilala sila sa tawag na Thomasites sapagakat lulan sila ng barkong USS Thomas. Agham at iba pang mga aralin ang naging pokus ng pag-aaral. Sa panahong ito binigyang halaga ang pagkakaroon ng pampublikong paaralan. At ang sistemang ipinatupad ay pagkakaroon ng sumusunod:
-4 na taon sa primarya
-3 taon sa intermedia
-4 na taon sa sekundarya 
-tersyaryo

PANAHON NG HAPON:
Sa panahon ng Hapon ninais nilang iwaksi ang pag-asa ng kanluranin. Sinumulan nila ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng wikang Nihonggo. Ang pokus ng pag aaral ay mga bokasyonal na gawain tulad ng agrikultura. Hindi nagtagal ang pananakop ng mga Hapon ngunit itinuro nila sa atin ang pagmamahal sa trabaho.


SISTEMA NG EDUKASYON SA KAMAY NG  MGA PILIPINO:

  • EMERGENCY CURRICULUM- Naging tugon ng pamahalaan sa kakulangan sa guro at paaralan matapos ang digmaan. Dito nagpahintulot ang pagkakaroon ng 60 mag-aaral sa isang klase at ng pagdaraos ng dalawang sesyon bawat araw sa pampublikong paaralan.
  • 2-2 PLAN- Dito ay ipinatupad sa sekundarya ang pagkakaroon ng isang kurikulum sa unang dalawang taon ng pag-aaral at mamimili ang mag-aaral sa college preparatory track o vocational track sa natitirang dalawang taon.
  • REVISED SECONDARY CURRICULUM- Noong 1973 binago ang kurikulum sa sekundarya kung saan ipinatupad ang mga sumusunod: Ang mga aralin ay tatagal nang isang oras at may tatlong beses na pagkikita sa klase bawat linggo. Ang aralin agham panlipunan (social science) ay ginawang araling panlipunan (social studies), ang health and physical education ay pinalitan ng Youth Development Training o YTD, at ang Philippine Military Training ay pinalitan ng Citizen's Army Training or CAT. Nagkaroon din ng integrasyon ng character education sa lahat ng gawaing pampaaralan. At isa pa, sa sekundaryang antas mula sa ikalawa hanggang sa ikaapat na taon ay pipili ng asignaturang elektiba.
  • NEW ELEMENTARY SCHOOL CURRICULUM (NESC)- Noong 1982 isinakatuparan ang programang pang elementaryang edukasyon na nakasentro sa "4H" : HEAD- intelektwal na pag-unlad ; HEART- pagbibigay diin sa asal ; HANDS- pagpapahusay sa kasanayan sa paggawa ; HEALTH- kagalingang pisikal at pangkaisipan.

  • BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC)-  Sa administrasyong ni Pangulong Arroyo inilabas ang bagong kurikulum para sa elementarya at sekundarya noong 2002. Isinaayos ang mga aralin batay sa prinsipyo ng panghabambuhay na pagkatuto at kontruktibismo. Natatangi ang kurikulum dahil lima na lamang ang mga aralin- FILIPINO, ENGLISH,SCIENCE, MATHEMATICS at MAKABAYAN. Ang MAKABAYAN ay binubuo ng sumusunod na asignatura:
  • SECONDARY EDUCATION CURRICULUM- Ipinatupad noong 2010 ang kurikulum na ito na ang katangian ay nakabatay sa modelo ng pagkatuto na "UNDERSTANDING BY DESIGN". Dito binigyang diin ang pag-unawa sa konsepto at hindi pagmemorya sa mga impormasyon.

  •  ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12)- Isang malaking hamon sa bansa ang hindi pagkilala sa gradweyt ng tersyaryo. Dahil ito sa 10 taon lamang ang basic education sa bansa samantalang tumatalima na ang ibang bansa sa 12 taon ng basic education. Dahil dito ipinatupad ang Batas Republika blg. 10533 o "Enhanced Basic Education Act of 2013" kung saan nagkaroon ng 13 taong Basic Education Curriculum: (1- taon sa Kinder; 6- taon sa elementarya; 4 taon sa Junior High School at 2 taon sa Senior High School)


SA IYONG PALAGAY ANO ANG PINAKA-ANGKOP NA SISTEMA NG EDUKASYON NA NAIPATUPAD SA BANSA? 















Comments

  1. Ayon sa aking mungkahi, mas napeprefer ko ang enhanced basic education curriculum dahil sa sistemang ito nagkakaroon tayo ng abilidad na mabilis na tayong makahanap ng trabahong angkop sa kursong ating tinapos at dahil sa sistemang ito nagkakaroon tayong ng dagdag na kaalaman na maaaring gamitin natin sa mga trabahong ating nais pasukan.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. para po sa akin ang K to 12 ang pinaka angkop na naipatupad na batas dito sa bansa dahil makakasabay tayo sa ibang bansa.Halimbawa nakapagtapos ang isang indibidwal ng pagiging nurse at kung siya ay naka pagtapos at siya'y napasama sa K to 12 pede siya mag nurse sa ibang bansa pero kung siya ay graduate pero hindi napasama sa K to 12 hindi siya makakapag nurse sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Para po sa akin ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na inilatag sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o ang K-12. Dahil dito, ang ating bansa ay nahanay na din sa ibang bansa. Ang trabaho na batay sa ating kurso ay makukuha na din sa ibang bansa kung ikaw ay inabutan ng K-12. Hindi katulad noon na nagkakaroon ng mismatch jobs. Ngayon ay hindi na masyadong nahihirapan ang bawat isang Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa na ang iniisip ay ibang trabaho ang kanilang haharapin doon di gaya ng kung anong kanilang tinapos. Sa pagtatag din nito sa ating bansa, ang bawat estudyante ay mas nagiging handa para sa pagdating ng kolehiyo. Sila ay mayroon ng sapat ding kaalam tungkol sa kanilang kurong tatahakin.
    -Stephanie Shynne Rayos

    ReplyDelete
  6. Para sa akin po ay Enhanced Basic Education Curriculim (K-12) ang pinaka angkop dahil para mas mahasa tayo sa mga ibat ibang gawain at para maging magaling sa mga skills at mapaigting pa ang ating mga kaaalaman.

    ReplyDelete
  7. Para po sa akin ang pinaka- angkop na edukasyon na ipinatupad sa bansa ay ang Enhanced Basic Education Cirriculum o mas tinatawag na K-12 para mas madagdagan pa ang ating kaalaman at marami pa tayong matutunan para pag nagkolehiyo na tayo ay marami na tayong alam at para na din makuha natin ang ating gustong trabaho sa hinaharap ibig sabihin nito ay kung ano ang kinuha mong kurso ay dun din babatay ang gusto mong trabaho at para na rin hindi tayo mahirapan sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  8. para po sa akin ang pinaka angkop na sistema edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12) dahil syempre dito narin ako nagsimula at marami din itong naitulong lalo na sa mga batang baguhan palang sa pagpasok at mas mapapalawak pa ang kanilang kaalaman

    ReplyDelete
  9. para po sa akin ang pinaka angkop na sistema edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12) dahil syempre dito narin ako nagsimula at marami din itong naitulong lalo na sa mga batang baguhan palang sa pagpasok at mas mapapalawak pa ang kanilang kaalaman

    ReplyDelete
  10. Para po sa akin ay ang k to 12 dahil maganda ito dahil mas may malalaman ka pa na iba tulad ng different skills at ibang mga larangan pa at sa k to 12 yung mga natutunan mo dito ay maiaapply mo din pagdating mo ng kolehiyo at kung anong kurso ang gusto mo ay yun din ang magiging trabaho at sa k to 12 madami ka pa ditong malalaman na malalaman mo din pagdating ng kolehiyo at nakakasunod tayo sa turo ng ibang bansa kung anong meron sila ay meron din tayo at sa k to 12 ay pwede kana makapagtrabaho pag tapos na ng grade 12 unlike sa dati highschool graduate na ang hinahanap ay college level.

    ReplyDelete
  11. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon ay ang K-12 na nakapaloob sa pormal na uri ng edukasyon. Base sa nakikita ko sa kasalukuyan, ang programang ito ng DepEd ay nakatutulong sa paghahanda ng mga estudyante sa kolehiyo o sa pagkuha ng tersiyaryong edukasyon. Isa pang dahilan kung bakit angkop ito sa panahon ngayon ay dahil sa ilang kabataan na hindi sigurado sa kukunin nilang programa pagtungtong nila ng kolehiyo. Ito ay makatutulong upang hindi magkaroon ng ilang pagsisisi ang isang estudyante sa kukunin niyang programa at maging mas epektibo siyang mamamayan na ginagawa ang tungkulin niya sa pamayanan.

    ReplyDelete
  12. Para sa akin ang K-12 ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon sapagkat binibigyan nito ng idea ang mga estudyante sa kanilang gustong kunin sa pagkokolehiyo. Nakakatulong rin ang mga kaalamang matutununan dito sa pagtungtong sa kolehiyo. Malaking bagay rin ito sapagkat nakasaad nga na isang malaking hamon sa bansa ang hindi pagkilala sa gradweyt ng tersyaryo dahil sa 10 taon lamang ang basic education sa bansa samantalang tumatalima na ang ibang bansa sa 12 taon ng basic education. Katunayan nito ang karamihan nagtapos ng kolehiyo, bago naipatupad ang K-12 , na nagtrabaho sa ibang bansa ay hindi naging angkop ang pinag-aralan sa kanilang nakuhang trabaho doon.

    ReplyDelete
  13. Para po saakin ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12) ito ay napaka angkop na naipatupad sa ating bansa dahil nagpapakita lang ito na hindi na tayo mahuhuli sa larangan ng "pag-aaral"o sa kung anong meron tayong pinag-aralan dahil gaya ng ibang bansa ay nagkaroon tayo ng dalwang taong dagdag.Marahil marami ang nagduda at naiinis kase sinasabe nila na dagdag baon dagdag gastos sa halip na makakapagtrabaho o magiging collage na subalit ang hindi nila alam at maintindihan ng maayos ay ito ay mas maganda para saaming pumapasok dahil ito ay mas magbibigay ng maraming kaalam at dahil dito hindi na tayo masasabihan ng iba na kulang sa pag aaral sa basic education kase alam naten na kaya naten kaya namin.Dahil sa K-12 na ito ay mas nagkaroon ng dahilan ang mga mag aaral upang mag aral ng maayos at pagdating sa collage ay mas magiging maayos ang pagpili nila ng gugustuhin nila maging dahil ng gr.11 at gr.12 ay meron na tinatawag na strand upang mas makatulong sa pipiliin nating landassss. K-12 papuntang tagumpay yun lamang po ma'am Sha

    -Xander Valenzuela (St.Isabel)

    ReplyDelete
  14. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na ipinatupad sa bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM o mas kilala bilang K-12. Ito ang pinaka-angkop para sa akin dahil ito ang naging daan upang makasabay ang ating edukasyon sa edukasyong meron ang ibang bansa. Isa pa, ang curriculum na ito ay nakakatulong sa mga estudyante na pumili at maging sigurado sa kung anong kukunin nila sa kolehiyo. Nakakatulong din ito sa mga estudyante dahil nabibigyan nito ng ideya ang mga estudyanye kung ano ang kanilang mga pag-aaralan sa kolehiyo. Dahil din sa curriculum na ito ay mas makakapagdesisyon pa ang mga estudyante sa programang kukunin nila sa kolehiyo upang maiwasan ang pagshift na nagdudulot ng kasayangan sa oras at pagkakataon. Base din sa aking naoobserbahan, ang mga estudyanteng nakapagtapos mula sa K-12 ay nagkakaroon ng tsansang makapagtrabaho sa ibang bansa ng trabahong angkop sa kaniyang tinapos.

    ReplyDelete
  15. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad ay ang K-12. Ito ay dahil malaki ang naitutulong nito ngayon sa mga kabataan dahil mas nagiging advance sila at nakakakuha pa ng karagdagang kaalaman tungkol sa kukuhanin nilang kurso sa kolehiyo. Dahil din dito, kayang makisabay ng ating bansa sa sistema ng edukasyon ng ibang bansa. Ito rin ay nakakatulong upang makapagdesisyon ng tama ang kabataan sa kanilang kukuhaning kurso. Malaki rin ang naitutulong nito sa mga kabataan dahil pag ikaw ay nagtrabaho sa ibang bansa ay maaaring matanggap ka agad at magawa ng nais at angkop na trabaho na iyong natapos.

    ReplyDelete
  16. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ang K-12. Sa pagbibigay ng karagdagang
    taon sa pag-aaral, maaari nitong matulungan ang mga istudyanteng tulad ko na mas kilalanin pa ang kursong nais kong puntahan. O dika'y matulungan ang mga istudyanteng nalilito pa rin at hindi pa alam kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo. Tinutulungan din nito ang mga istudyante na maghanda para sa kolehiyo. Ang pagkakaroon ng ganitong sistema sa edukasyon ng ating bansa ay makapagbubukas ng maraming oportunidad sa trabaho sa ating bansa lalong lalo na sa ibang bansa. Sa pagpapatupad nito maaari na ring makipagsabayan ang ating bansa sa iba pang bansa na naunang nagpatupad ng ganitong sistema ng edukasyon

    ReplyDelete
  17. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad ay ang K-12. Ang Programang K-12 ay ibibigay sa mga pumasok sa pampublikong paaralan. Kami bilang estudyante na nakararanas o naabutan ng programang ito ay maraming masasabi hinggil sa usapang ito. Para sa iba masaya ito dahil may magandang epekto ito para sa mga mag-aaral, dahil makakatulong ito sa kanila kung kapos na sila sa pera. Para sa mga magulang ay dagdag gastos lamang ito, ngunit kung titingnan natin ang intensyon ng programang ito, mas malaki ang maitutulong nito dahil para makatipid sa dagdag na gastos. Mas makakatulog ito sa maagang pangangailangan natin dahil kapag ikaw ay nakapagtapos ng K-12 maaari ka ng kumuha ng trabaho na gusto mo batay sa iyong kinuhang kurso na napagaralan sa K-12.Sa katunayan marami na ang mga eskwelahan na nagpapatupad ng programang ito, upang mas mapalawak ang ating edukasyon sa ating sariling bansa.

    ReplyDelete
  18. Para po saakin ang K-12 ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon para sa ating bansa bukod sa ito na ang ating ginagamit ngayon ito ay makakatulog para saamin sa aming ninanais na trabaho ang k-12 ang mag sisilbing pag hahanda namin sa pag tungtong namin sa kolehiyo at napaka laking tulong ng k-12 dahil kung wala ito ay maraming mga nag tapos rito sa bansa na kapag ninais na mag trabaho sa ibang bansa ay magiging hindi iyon ang trabaho nila dahil iba ang curriculum nila doon marami ang nag sasabi na ito ay dagdag gastos ngunit mas maganda na nag karoon ng K-12 dahil mas mapapaghandaan pa at mas makakapag isip pa sa pipiliing kurso sa kolehiyo.Ang K-12 ay maraming matutulungan na mag aaral sa kanilang future na magiging trabaho makakapag trabaho sila sa ibang bansa gamit ang kurso na kanilang tinapos at hindi na kagaya ng iba.
    -Jorgina Antonette M.Dalusong

    ReplyDelete
  19. Enhanced Basic Education Curriculum ang naaangkop po para sa akin dahil pinakapakita dito na hindi tayo basta basta nag papahuli sa usaping edukasyon at dahil sa K-12 mas lalo nitong matutulungan ang ating mga kabataan sa pag aaral ng dahil sa senior high ay mabibigyan pa ng pag kakataon ang mga estudyante na makapag handa para sa kanilang kukuning kurso at mas makakatulong ito upang mapaayos pa lalo ang edukasyon sa ating bansa.

    ReplyDelete
  20. Para po sa akin, ang pinakaangkop na Sistema ng edukasyon na ipanatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum (K-12). Dahil dito ay uunlad ang ating bansa at kasabay na tayo sa estado ng ibang bansa ayon sa opinyon ng iba. Nagbibigay din ito ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral.Sobrang laking tulong din nito sa ating mga Pilipino dahil marami sa atin ang walang kakayahang mag kolehiyo at kung papasok ka ngayon kahit hanggang grade 12 lang ay makakakuha ka na ng trabaho.

    ReplyDelete
  21. Sa aking palagay po ay ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12) dahil ito ay nilikha upang makasabay tayo sa antas ng pag aaral at kaalaman ng mga karatig bansa. Dito po ay naghahanda ang mga mag-aaral para sa mas mabuting kinabukasan. Nagbibigay ng pagkakataon para sa aming mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon. Itinuturo dito ang information, media at technology skills, learning at innovation skills, communication skills at life at career skills, na naghahanda sa aming mga kabataan para sa aming pagtatrabaho. At dahil din dito ay makakapagtrabaho tayo sa ibang bansa ng angkop sa ating natapos na kurso.

    ReplyDelete
  22. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM o K-12. Sa programang ito matutulungan ang mga estudyante na magkaroon pa ng dagdag kaalaman o maging advance sa kursong kanilang kukunin kapag sila ay naging ganap na isang kolehiyo. Makakatulong ito sa bawat estudyante dahil isa ito sa magandang paraan upang mas lalo pa nilang mapalawak ang kanilang kaalaman sa kukunin nilang strand o kurso. Magiging maganda ang epekto ng K-12 sa mga batang nagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap, ngunit sa mga batang madaling sumuko o ayaw na ipagpatuloy ang kanilang pangarap ay magiging mahirap sa kanila ito. Karamihan sa mga magulang natin ay nag sasabing "kung walang grade 11 at grade 12 o K-12" ay isa na kaming ganapna kolehiyo, ngunit hindi pa alam nila ng mga panahong iyon kung bakit nga ba mayroong K-12 ngayon. Ngayon ay niintindihan na ng ibang magulang kung bakit nga ba mayroong nadagdag na K-12 . Ang K-12 ang makakatulong sa atin upang maliwanagan tayo at mapagisipan natin kung ano nga ba ang nararapat o naaangkop sa ating kakayahan. Nagkaroon tayo ng K-12 program dahil nahuhuli na tayo sa sistema ng edukasyon . Isa ang K-12 program sa pinaka importante sa pag aaral ngayon dahil kung hindi ka nakapag K-12 ay maaaring pag punta mo sa ibang bansa ay mag aaral kang muli ng dalawang taon . Halos buong bansa na natin ngayon ang mayroong K-12 program dahil gusto nila na mas lalo pang madagdagan ang kaalaman ng bawat estudyante sa ating bansa at matulungan ang mga estudyante na mas lalo pang maging maganda ang kanilang kinabukasan.

    ReplyDelete
  23. Para po sa akin, ang pinakaankop na sistema na naipatupad sa ating bansa ay ang K-12. Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang kahalagahan ng programang ito ay makakatulong sa mga kabataan na makahanap agad ng trabaho at maging bukas pa lalo ang kanilang kaisipan sa kursong kanilang napili. Makakatulong ang dalawang taon na dagdag sa highschool upang kapag nagkolehiyo sila ay may kaalaman na sila sa kursong kanilang itetake. Sa kalaunan, ay nakikita naman na habang tumatagal ay nakikita naman ang epekto nito sa mga mag aaral, hindi ito para lang sa ikauunlad ng bansa, para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa kaunlaran.

    ReplyDelete
  24. Sa aking palagay bilang isang mag aaral, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Act of 2013 or mas kilala bilang K-12.Dahil sa kadahilanang ito ay mas moderno at mas mapapakinabangan naming mag aaral sa aming magiging trabaho.Mas mabilis narin kaming makakakuha ng mga iba pang trabaho sa ibang bansa dahil kumpleto ng 12 taon ang aming pag aaral.Ito ay magandang adhikain ng ating pamahalaan dahil mas mapapabilis at mas mapapalawak nito ang aming kaalaman at kaisipan sa kursong maaari naming kunin.Tayo ay nag karoon ng K-12 dahil tayo ay nahuhuli na sa mga karatig bansa natin na kumpleto ng 12 taon ang pag aaral samantalang tayo ay 10 taon lamang.Mas mabuti at mas maganda na ipinatupad ito ng ating pamahalaan upang mas mabilis at mas madali kaming makakuha ng trabaho sa ibang bansa.Para sa ibang mga pamilya o magulang ang K-12 ay dagdag gastos lamang,ngunit kung itoy iyong titingnan ang gusto lamang ng K-12 ay maka tulong sa aming mga kabataan upang mas mapabilis ang pag kuha namin ng trabaho sa ibang bansa,mas madagdagan ang aming kaalaman sa mga kurso or trabaho na aming kukunin at mas malaman namin kung ito ba ay para saan ba talaga.At ang maganda pa sa sistemang ito ang K-12 ay may roong tinatawag na “STRAND” upang mas malaman mo kung ano ang kukunin mong trabaho.

    -Dhona Eliza R.Guerra

    ReplyDelete
  25. Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum (K-12). Kilala ang Pilipinas bilang isang bansa na may 10 taon ang basic education kaya't isinabatas ito upang mapantayan ang sistema ng edukasyon ng buong mundo na may 12 taon na basic education. Layunin nito na mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa pagdagdag ng 2 taon na tinatawag na senior high school ay naihahanda ang mag-aaral sa kursong kukunin pagtungtong ng kolehiyo. Nagiging bukas ang isipan ng mag-aaral sa kung ano nga ba ang tatahakin nilang landas sa kolehiyo at upang hindi na rin sila magsisi sa huli. Sa pamamagitan din nito, napapahusay ang basic skills lalo na sa mathematics at science na natutunan sa loob ng halos 10 taon. Magiging globally competitive ang bansa sa edukasyon at entrepreneurship. Ang mga mag-aaral na makakapagtapos sa ilalim ng curriculum ay mabibigyan ng madaming oportunidad na makapagtrabo sa ibang bansa. Ito ay magpapaunlad sa bansa at magpapaunlad sa kaisipan ng kabataan tungkol sa kaunlaran.

    ReplyDelete
  26. Para po sa akin, ang pinakaangkop sa lahat ng mga sistema ng edukasyon na nailatag na sa ating bansa ng iba't-ibang uri ng namahala dito ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas kilala sa tawag na K-12. Ang K-12 ay hindi lamang isang dagdag-pasakit sa mag-aaral at magulang ng mga ito. Dabi nga, "we should always look on the better side." Ang K-12 ay ginawa upang maging globally competitive ang mga Pilipino lalo na ang mga nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa. Dinadagdagan nito ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral upang mas lalo itong maging competent sa ano mang propesyon na gustuhin nila. Isa pa, ang lahat ng natutunan sa senior highschool ay magsisilbing pagahahanda nila pagtungtong nila ng kolehiyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para po sa akin, ang angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad ay ang K-12 o Enhanced Basic Education Curriculum na kung saan nag dadagdag ng ilang taon sa pag aaral upang makacope up tayo sa sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Makakatulong ito sa atin upang mas malaman pa natin kung ano bang dapat nating tahakin o kuhanin na kurso. Na mas makakapagpalawak ng ating kaisipan at kaalaman. Mas makakakuha kaagad tayo ng trabaho dahil sa ibinigay na experience at kalaman ng sistemang ito sa atin. Lalo na pagdating natin ng ibang bansa hindi na natin kailangan mag aral pa duon para lang makahabol sa sistema ng edukasyon at hindi nadin natin kailangan na mag adjust sa trabaho para mag karoon ng kita o income. Kaya itong K-12 ay may malaking sakop sa ating lahat na kailangan nating pang hawakan dahil ito ang makakatulong sa atin upang maging maunlad ang ating sarili sa lahat ng aspekto ng buhay.

      Delete
  27. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o ang K-12. Dahil dito mas nagkakaroon tayo ng sapat na kaalaman at mas nakakapili tayo kung ano ang kursong tatahikin pag dating sa kolehiyo. Bagamat nadagdagan ang taon na ating pag-aaral, malaking tulong naman ito para sa ating mga estudyante dahil mas nabibigyan tayong kahandaan para sa kolehiyo at sa trabahong kukuhanin natin. Nabibigyan din tayong maka pili nang mabuti kung ano nga ba talaga ang nababagay sa atin na trabaho at dahil sa K-12 mas nahahasa tayo at dumadami ang ating kaalaman. Mas nagkakaroon din tayo ng pagkakataon na mabigyan ng tamang trabaho sa ibang bansa dahil sa nagiging angkop ang sistema nila sa ating sistema.

    ReplyDelete
  28. Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na nailatupad sa bansa ay ang K-12 . Dahil dito, mahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa lahat ng aspeto, at maihahanda ang mga mag-aaral ng high school sa maaaring maging hamon ng pag-aaral sa kolehiyo dito man, o sa ibang bansa. Ito rin ang magiging paraan para maihanay ang kasanayan ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga mag-aaral ng ibang bansa. Sa ganiyong paraan, makakakuha ng mas mataas na posisyon ang mga Pilipinong nagtapos sa bansa at nais mag-trabaho sa ibang bansa. Sabihin mang nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estudyante, ay makakatulong naman ito para maihanda sila sa kolehiyo at magkamit sila ng mas maunlad na buhay sa hinaharap.

    ReplyDelete
  29. Para sa akin ang pinaka magandang sistema ng edukasyon ay ang K-12 kasi ito ay naka tutulong sa pag papalawak at pag hahanda para sa mga kabataang mag aaral na gaya ko para sa pag tungtong ng kolehiyo.

    ReplyDelete
  30. Sa aking palagay, pinakamagandang Sistema ng Edukasyon ang k-12 sapagkat sa pamamagitan nito, nahuhubog nang ayos ang mga mag-aaral sa kabilang napiling espesyalisasyon. Nadaragdagan ang curriculum kaya't nakakapagpokus sila sa naisin nilang aralin. Mas nagiging handa sila para sa tatahakin 'career' at nadaragdagan ang kanilang ka alaman. Nabibigyang sila ng oportunidad na mag-excel hindi lamang sa larangan akademikong pag-aaral.

    Dagdag pa rito, masasabi g globally competitive ang bansa at mangyaring mas mapapadali ang pagtatrabaho ng mga nakapagtapos na Pilipino sa mga karatig bansa na pareho ng curriculum nito. Maganda ang layunin ng k-12 lalu na at kung ang mga kagamitan at pasilidad na kinakailangan ay kasama g mailalatag nang maayos.

    -Lyka B. Gutietrez

    ReplyDelete
  31. Sa aking palagay, magiging malaking tulong sa pagbibigay ng opinyon sa kung ano ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon ang pagkakaroon ng karanasan ukol sa iba't-ibang uri ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa. Sa aking palagay, sa tulong ng mga tunay na kaalaman at resulta mula sa mapagkakatiwalaang mga sanggunian, masasabi kong pinakaangkop ang sistema ng K12 Education. Sa aking sariling paglalagum, ang pagiging angkop ng sistemang K12 ay aking ibinase sa pagiging epektibo nito sa paghahanda ng mga magaaral sa sekundarya upang tumuloy sa kolehiyo o kaya naman ay maghanap na ng trabaho. Ang isa sa mga magandang panukala ng K12 ay ang pagkakaroon ng dagdag dalawang taon sa high school na kung tawagin ay senior high school. Di ko masasabing ang dagdag na dalawang taon ay sinasangayunan ng lahat ngunit ang mga gawain sa dagdag na mga taon ay nakaangkla na sa kanilang nais na tahaking na mga karera sa hinaharap. Sa unang taon ng pagpapatupad ng K12 kumaunti ang bilang ng mga estudyante na tumuntong sa kolehiyo, nagkaroon ng aberya sa ibat ibang mga paaralan dahil sa kakulangan ng mga silid aralan at mga guro, maraming mga magaaral ang nahirapan magenroll sa mga paaralan. Bagamat maraming pagsubok na hinarap sa unang buwan ng pagimplementa, nakaahon ang Kagawaran ng Edukasyon at nakaranas ng kaunting tagumpay matapos maresolba ang mga nasabing suliranin. Hanggang ngayon, ay ipinapatupad pa rin ang K12 at patuloy na nililinang ang kurikulum upang mabigyan pa ng mas angkop at karapat dapat na edukasyon ang kabataang Pilipino.

    ReplyDelete
  32. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema nang edukasyon na naipatupad dito sa pilipinas ay ang Enhanced Basic Education Curriculum na tinatawag ding K-12. Nakakatulong ito sa paraang mas mahahasa ang bawat kakayahan nang bawat estudyante sa gusto ni larangan. Dahil dito ay mas lalo silang magiging handa sa kung ano man ang tatahakin nilang mga trabaho. Hindi na din mahihirapang makapaghanap nang trabaho ang mga estudyante dito sa pilipinas patungo sa ibang bansa dahil masasabi nang globally competitive ang ating bansa dahil sa pagpapatupad nang sistemang ito.
    Nang pinatupad ang sistemang ito sa ating bansa ay napansin kong marami ang umayaw at tumutol pero ngayon ay masasabi kong ito ang pinakamagandang naging sistema nang edukasyon dito sa ating bansa dahil malaki ang naitutulong nito sa bawat estudyante. Ito din ang paraan upang makasabay tayo sa edukasyon nang mga karatiga nating bansa.

    - Christine Joy T. Abrenica
    10-St. Isabel

    ReplyDelete
  33. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang K12 dahil dito ito ang nakapaloob sa pormal na uri ng edukasyon. Makakatulog ito upang mahasa ang kaalaman ng isang estudyante. Sa mga nakikita ko sa panahon ngayon, ang programang ito ng Deped ay makakatuling sa pagkuha ng tersiyaryong edukasyon. Dahil sa K12 mas malalaman nila o ako ang tamang tatahakin na angkop sa gusto ng kabataan para malaman ko ang nakalaan na trabaho sa aking sarili. At makikita ko na giginhawa o uunlad ang ating bansa sa K12 na programa

    ReplyDelete
  34. Para sa akin ang ankop na Sistema ng Edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang K-12.Ang K-12 Program ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag na junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng K-12.Ang programang ito ay lubos na nakatutulong sa mga estudyante na nais mag trabaho sa ibang bansa dahil ang programang ito ay ang nakapag sasabay ng Sistema ng Edukasyon ng Pilipinas at ng ibang bansa.Ito rin ay maganda sapagkat nadaragdagan ang kaalaman ng mga estudyante kapag tungtong nila sa Grade 11 at 12.Ito ay nakatutulog dahil sa Grade 11 at 12 ay nakapatungkol na sa iyong programang nais.At sa pamamagitan ng programang ito ay maaari nang makasabay ang ating bansa sa iba pang mga bansa.

    ReplyDelete
  35. Para sa aking saloobin ang pinaka-angkop na sistemang pang-edukasyon na ipinatupad sa ating bansa ay ang K-12 o Enhanced Basic Education Curriculum. Hindi lang dahil mahahasa ang kaalaman ng isang estudyante kundi pati na rin mas magiging handa ang bawat indibidwal at matutukoy nya sa sarili niya kung ano ba talaga ang kanyang kursong tatahakin at maging bukas ang kaisipan sa kursong napili . Nakatulong ang K-12 upang maging maayos o aligned ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas at makipagsabayan hindi lamang sa mga bansa sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo. Nakatutulong ang 2 taon na dagdag sa High School dahil may kaalaman na sila sa kursong kanilang kukunin.

    -Bautista,Mary Aimee C.

    ReplyDelete
  36. sa palagay ko, mas maayos ang sistema ng edukasyon kung aalisin na ang k to 12 curriculum dahil marami na ngang mga estudyante ang hindi makapag tapos ng pag aaral tapos magkaka-meron pa ng dagdag na 2 taon sa pag aaral kaya mas maganda na kung wala nang k to 12 curriculum sa ating bansa para mas maging maayos ang sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas

    ReplyDelete
  37. Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad dito sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas kilala bilang "K-12" dahil ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Hindi lang mema ang pamahalaan kayat naipatupad nila ito, mayroon talagang layunin ang pamahalaan na paunlarin ang bansa. Nakakatulong ang programang ito sa mga kabataan upang hindi mahirapan sa pagpili ng kukuhaning kurso sa kolehiyo. Nahahasa at napapalawak ng programang ito ang isipan ng mga magaaral. Nabibigyan din nito ng pagkakataon at panahon ang mga setudyante na mahasa ang kaalaman sa ibat ibant larangan ng spesyalisayon. Maraming mga magulang ang nagrereklamo dahil sa dagdag bayarin and dalawang taon sa sekondarya na imbis na kolehiyo na ngunit sa kalaunan namay gumanda ang progreso ng sistema ng edukasyon noong nagsimula ang programang ito.


    Aves , Mark Harvie D.
    10-St.Isabel

    ReplyDelete
  38. Sa aking palagay ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang K-12 dahil ito ay makakatulong lalo na sa ating mga mag-aaral na Pilipino na nanaisin makapagtrabaho sa ibang bansa pagkatapos grumaduate. Dahil sa kurikulum na ito na-align ang sistema ng edukasyon natin sa sistema ng edukasyon ng ibang bansa, at hindi na mahihirapan pa ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi na nila kailangan pa mag-aral nang 2 pang taon sa ibang bansa bago makapagtrabaho.

    ReplyDelete
  39. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang K12 dahil dito ito ang nakapaloob sa pormal na uri ng edukasyon. Makakatulog ito upang makasabay ang ating mga kapwa estudyante kapag nakapag tapos na ito ng kolehiyo at kung gusto nila magtrabaho sa ibang bansa. At dahil sa K12 dito makikita ng isang estudyante kung ano talaga ang gusto nyang kunin na kurso kapag nakapag kolehiyo na ito.

    ReplyDelete
  40. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang K12 dahil dito ito ang nakapaloob sa pormal na uri ng edukasyon. Makakatulog ito upang makasabay ang ating mga kapwa estudyante kapag nakapag tapos na ito ng kolehiyo at kung gusto nila magtrabaho sa ibang bansa. At dahil sa K12 dito makikita ng isang estudyante kung ano talaga ang gusto nyang kunin na kurso kapag nakapag kolehiyo na ito.

    ReplyDelete
  41. Sa aking palagay ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang K-12 dahil ito ay makakatulong lalo na sa ating mga mag-aaral na Pilipino na nanaisin makapagtrabaho sa ibang bansa pagkatapos grumaduate. Dahil sa kurikulum na ito na-align ang sistema ng edukasyon natin sa sistema ng edukasyon ng ibang bansa, at hindi na mahihirapan pa ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi na nila kailangan pa mag-aral nang 2 pang taon sa ibang bansa bago makapagtrabaho.

    -Lance Tyrone J. Dimaano

    ReplyDelete
  42. Enhanced Basic Education Curriculum o "K-12" dahil mas mapapadali ang pagpunta mo sa ibang bansa at madali rin ang pagkuha mo ng isang trabaho ...Maganda ang pagkakaroon ng k-12 sapagkat para pagdating mo sa kolehiyo ay may kaalaman ka agad at mas madali mong mauunawaan ang mga pagaaralan mo sa kolehiyo at kahit maraming magulang na ayaw sa k-12 dahil sinasabi nila ay mas gastos lang ito dahil dumagdag nanaman pero kahit ganun ay nauunawaan na mga magulang kung bakit nagkaroon ng k-12 kaya mas maganda na ang proseso ngayon...

    DOMINGO MARIJANE C
    10-ST ISABEL

    ReplyDelete
  43. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  44. Ang K to 12 ay maganda at mas makakatulong sa mga ito sa mga estudyante lalo na kapag nakagraduate na ang mga estudyante makakapag trabaho na sila dahil nasa legal age na sila. Isa pa nakakasabay ang pilipinas sa sistema ng edukasyon ng ibang bansa. Mas marami silang matututunan bago pumasok ng kolehiyo sapagkat dito ay magkaka mayroong ideya ang mga estudyante sa pagdating nila ng kolehiyo.

    -Khim Hernandez

    ReplyDelete
  45. Sa aking palagay, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay Ang Sistema ng Edukasyon sa Kamay na ng ating mga kababayan dahil dito mas malawak at mas marami ng sistema ang kanilang naipapatupad at natutugunan ang pangangailangan sa edukasyon ng bawat Pilipino. Sa sistemang ito ay mas pinaunlad ng ating mga kababayan ang edukasyon nasimulan ng mga dayuhan. Sa ilalim ng sistema ng mga Pilipino naipatupad ang "K-12 Program" na naging malaking tulong sa bawat Pilipinong mag-aaral upang sila ay maging handa at sigurado sa programang tatahakin nila sa kolehiyo. Tinutulungan ng programang ito na ihanda ang kaisipan at kakayahan ng isang estudyante sa loob ng 2 taon sa Senior High School. Nakatutulong din ang programang ito upang maging isang Globally Competitive ang isang Pilipino. Nakatutulong ang pagiging Globally Competitive ng isang Pilipino sa kanilang pagtatrabaho sa iba't ibang mga bansa na tumatalima sa 12 taon na Basic Education. Mahalagang mag-aral tayo ng mabuti dahil sabi nga ni Nelson Mandela, "Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”

    -Ambal, Althea M.
    10- St. Veronica

    ReplyDelete
  46. Sa aking palagay ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang Enhanced Basic education curriculum (k to 12) dahil dito nag kakaroon tayo ng karagdagang kaalaman at kapag nakapagtapos ka nito ay maaaring maging madali ang iyong paghahanap ng trabaho. Kahit pumunta ka sa ibang bansa at tapos ka nito madali na para sa iyo ang makipag sabayan sa natapos mong kurso

    ReplyDelete
  47. Sa aking palagay ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang Enhanced Basic education curriculum (k to 12) dahil dito nag kakaroon tayo ng karagdagang kaalaman at kapag nakapagtapos ka nito ay maaaring maging madali ang iyong paghahanap ng trabaho. Kahit pumunta ka sa ibang bansa at tapos ka nito madali na para sa iyo ang makipag sabayan sa natapos mong kurso

    ReplyDelete
  48. Para sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Curriculum (K-12) sapagkat makatutulong ito sa ating kabataan upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa ating kursong pipiliin at para rin makahanap agad tayo ng trabaho. Ipinatupad ito ng pamahalaan para matulungan ang mga kabataan at mapantayan ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Ngunit mayroong iba na hindi sang-ayon sa batas na ito dahil dagdag lamang daw ito sa kanilang bayarin. Sa kabilang banda marami rin ang pabor dito lalo na ang mga taong walang kakayahan pa na makapag kolehiyo dahil pag natapos mo ang dagdag na dalawang taong ito ay maaari ka ng makapag trabaho. Layunin ng batas na ito na maihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Makatutulong ito sa mga kabataan upang mas maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain. Makatutulong rin ito para mas mapadali ang pagdedesisyon ng mga kabataan kung ano ang kursong kanilang kukuhanin.

    ReplyDelete
  49. Para sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Curriculum (K-12) sapagkat makatutulong ito sa ating kabataan upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa ating kursong pipiliin at para rin makahanap agad tayo ng trabaho. Ipinatupad ito ng pamahalaan para matulungan ang mga kabataan at mapantayan ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Ngunit mayroong iba na hindi sang-ayon sa batas na ito dahil dagdag lamang daw ito sa kanilang bayarin. Sa kabilang banda marami rin ang pabor dito lalo na ang mga taong walang kakayahan pa na makapag kolehiyo dahil pag natapos mo ang dagdag na dalawang taong ito ay maaari ka ng makapag trabaho. Layunin ng batas na ito na maihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Makatutulong ito sa mga kabataan upang mas maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain. Makatutulong rin ito para mas mapadali ang pagdedesisyon ng mga kabataan kung ano ang kursong kanilang kukuhanin.

    ReplyDelete
  50. Para sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Curriculum (K-12) dahil malaki ang maitutulong nito sa ating kabataan. Layunin nito na mas mapalawak ang ating kaalaman sa kursong ating kukuhanin at para mas maladali ang pagdedesisyon natin sa kukuhaning trabaho. Makakatulong ang batas na ito dahil maaari ka ng makapagtrabaho pagtapos ng dalawang taon na ito kahit hindi pa nakakapag kolehiyo.

    ReplyDelete
  51. Para po sa akin ang pinaka-angkop na edukasyon na ipinatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Curriculum o ang K-12.Dahil ito ay nagpabago ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.Dahil dito ay madadagdagan pa ang ating mga kaalaman at para lalong makapaghanda ang bawat mag aaral na harapin ang kolehiyo at maging mas produktibong manggagawa sa hinaharap.

    ReplyDelete
  52. Para sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon sa bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM (K-12) dahil dito ang mga estudyante ay nakakapag isip pa ng kanilang kukuning kurso para sa kanilang kolehiyo. Magkakaroon pa sila ng dalwang taon para mag ensayo kung ano ba talaga ang kanilang kukunin academic, technical vocational livelihood,o sports at arts track ba. Dito din ay sinasabi na kapag nakapag tapos ka ng grade 12 ay pwede ka ng magtrabaho. Makakatulong din ito para kaming mga estudyante ay mahasa at maipakita pa ang mga kakayahan. Para din ito sa ikauunlad ng ating bansa at para makasabay din sa ibang bansa. Pero ang ibang magulang ay hindi sumasangayon dito dahil madadagdagan na naman ang bayarin para sa matrikula ng kanilang anak. Meron din naman na hindi pabor na mga estudyante dahil madadagdagan ulit ng dalwang taon ang kanilang pagaaral, dagdag na nman ang kanilang paghihintay para maka kuha ng certificate at maka graduate ng kolehiyo.

    ReplyDelete
  53. Para po sa akin, napakalaking bagay na nagkaroon tayo ngayon ng enhanced basic education curriculum o ang k-12. Ako po ay isang estudyante sa ika-10 baitang at kung ako ang tatanungin kung ano ang kukunin kong kurso sa college ay hindi pa rin ako makakapag desisyon ng buo. Napakalaking bagay ng pagkakaroon ng senior high school dahil una, magkakaroon lalo ako ng panahon upang pagisipan ang aking kukuhanin pagdating ng kolehiyo, at pangalawa, maaaring sa dalawang taon na ito ay dito ko mahasa ng totoo ang aking mga abilidad upang makatulong sa aking patuloy na pag-aaral.

    ReplyDelete
  54. Para po sa akin, ang Enhanced Basic Education Curriculum (K-12) ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa dahil mas makakatulog ito sa amin at sa iba pang kabataan na gusto mag - aral. Mas marami pang madadagdagang kaalaman sa amin at maaring maibahagi sa iba. Ito din po ay mas angkop kung makakapag trabaho sa ibang bansa. Mas marami pong magkakaroon ng oportunidad na matanggap sa trabaho at magkakaroon ng pagkakataon na umunlad ang ating ekonomiya. Mababawasan din ang mga taong walang trabaho sa atin, at patuloy na magiging maayos ang ating bansa.

    - Katherine Ysabel Peña (10-St. Isabel)

    ReplyDelete
  55. Sa aking palagay ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o kilala bilang K-12. Dahil dito ay mas mahahasa ang mga mag-aaral sa gusto nilang kuhaning kurso. Malaki ren ang naitutulong ng K-12 sa mga mag-aaral na nahihirapan o hindi pa alam ang programang kanilang kukuhanin sa kolehiyo. Isa pang dahilan kung bakit para saakin ay K-12 ang pinaka-angkop na sistema ay dahil pag nakatapos na ang mga mag-aaral na gaya ko ay maari na kameng makakuha ng trabaho kahit hindi pa kame nakakapag kolehiyo.

    ReplyDelete
  56. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  57. Para sa akin, ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na naipatupad dito sa Pilipinas ay ang sistema sa kamay ng mga Pilipino. Dito ay nahasa ang talino at abilidad ng mga mag-aaral sa iba't ibang mga asignatura at naihahanda sila para sa kolehiyo sa pamamagitan ng K-12 program. Dahil din dito ay dumarami na ang mga professionals sa bansa. Napakalaking tulong ng sistema ng edukasyon ngayon dahil unang-una, naipatupad ang pagkakaroon ng dagdag na baitang upang maihanda ng ayos ang mga mag-aaral at makapagdesisyon sila ng maayos sa kung anong landas ang tatahakin nila. Pangalawa, mas mahahasa ang galing at talino ng mga mag-aaral dahil sa mga dagdag na baitang. At panghuli, mas magkakaroon din ng maraming oportunidad na makatanggap ng trabaho ang mga tao. Mas malaki rin ang tsansang matanggap sila sa mga kompanyang nasa ibang bansa dahil nakakasabay na ang Pilipinas pagdating sa aspeto ng edukasyon.

    -Chrysolite Jenny B. Baldado
    (10-St. Veronica)

    ReplyDelete
  58. Para sakin ang Enhanced Basic Education Curriculum ang pinaka-angkop na edukasyon na ipinatupad ng bansa dahil dito ay lalong makapaghanda ang bawat mag aaral na harapin ang kolehiyo at makakatulong din ito upang makapasok sa kalidad at tiyak na kurso sa kolehiyo.

    Aaron Torres
    St. Isabel

    ReplyDelete
  59. Sa aking pananaw ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na ipinapalaganap ng ating bansa ay K12 sapagkat layunin nito na tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo sapagkat ang K12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.Ito ay mayroon ibat ibang strand kagaya lamang ng mga sumusunod HUMSS,STEM,ABM,GAS O ICT.Sapagkat pag mayroon kang malawak o madaming kaalaman ay madaming kang mararanasan madami kang masusubukan lalo na sa mga oppurtunidad mahalaga ito sapagkat mas naihuhulma ang iyong nanaisin na kinabukasan sa curriculum na ito ay binabatayan din ng ibat ibang mga bansa.Naniniwala ako na edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan ,kasuklian sa kahirapan at pagkaunlad ng ating komunidad maaring sabihin nila na itong karagdagan gastos subalit pag ikaw ay nagbigay at mas higit ang ibabalik sa iyo maganda din itong impluwensya hindi lang sa kabataan ngayon pati narin sa susunod pang henerasyon.


    Nadine Barrion St Isabel

    ReplyDelete
  60. Para sa akin ang pinaka angkop at epektibong sistema ng edukasyon na ipinatupad sa ating bansa ay ang K-12 program. Nakakatulong ito para sa mga mag-aaral na undecided na mapag-isipan ang kursong kukunin nila pagdating ng kolehiyo. Dito rin sinasanay ang mga estudyante para makapaghanda na sila sa larangan o career na tatahakin nila at para maharap ang mga hamon na kanilang mararanasan pagdating ng kolehiyo.
    Nagbibigay ito ng mga oportunidad sa mga magtatapos ng senior high na makapagtrabaho angkop sa kursong natapos nila, kahit sa murang edad pa lamang.
    -Andal, Nicholai

    ReplyDelete
  61. Para sa akin ang pinaka angkop na sistema ng education na pinatupad sa ating bansa ay ang K-12 o ang Enhanced Basic Esucation Curriculum sa pagkat layon nito na tulungan ang mga estidyante na makahabol sa education ss ibang bansa. Ang dalawang taon na dagdag sa pag-aaral ay isang pang matagalan na solusyon sa kakulangan natin na taon noon. Dahil din dito ay hindi na kailangan ng mga graduate na mag-aaral na kumuha ng trabaho na hindi angkop sa kanilang kinuhang kurso. Ang K-12 din ay naghuhubog sa mga mag-aaral sa nais nilang kuhaning kurso na angkop din sa kinuha nilang "strand" gaya ng STEM, HUMMS, GAS at iba pa. Bagamat marami ang tumututol dito dahil sa tagal ng pag-aaral para naman ito sa matagal na solusyon para sa bayan.

    ReplyDelete
  62. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon ay ang k-12 dahil ang k-12 ay nakapagbibigay ng malaking tulong sa atin. Katulad na lamang ng halimbawang pagpili ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo, natutulong ito na bigyan ka ng ideya kung ano ang gusto mong gawin o kunin kapag ika'y nakapag kolehiyo na. Mas nahahasa sila sa pag-aaral o paggawa ng mga bagay na kanilang nais o sa mga bagay na magagamit nila pagdating ng kolehiyo. Isa pa sa dahilan kung bakit ang k-12 ay ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon ay dahil nakakasabay natin ang sa ibang bansa. Alam natin na kapag wala ang k-12 ay masasabing kulang pa dn tayo sa edukasyon dahil kulang ng 2 taon ang ating pag aaral kung wala ang k-12. Kapag may balak ka magtrabaho sa ibang bansa, minsan ang ibang mga trabahador ng pilipinas ay nahihiram kumuha ng trabaho sa ibang bansa dahil ang iba dito ay hindi nakapag k-12 kaya unfair ito sa knila, kaya ngayon nilagyan na nila ng k-12 ang pag-aaral ng mga students. Kaya bawat grado ng iyong pag-aarap ay pahalagahan dahil ito ay isa sa mga susi ng iyong kapalaran


    -Lovely Leyesa, St. Vincent

    ReplyDelete
  63. Para po sa akin ang ang pinaka angkop na edukasyon nana ipinatupad sa ating bansa ay ang ENHANCED BASIC CURRICULUM o ang K-12 program. Bilang estudyante, dito ay mas nakakapaghanda pa ang mga estudyante sa loob ng dalawang taon para sa kanilang kukuhaning kurso sa kolehiyo. Dito rin mas nahahasa ang kakayahan at abilidad ng isang estudyante sa K-12 program na mayroong strand na nakatutulong para mas mahasa ang talino. Nakatutulong din ito sa ekonomiya at sa isang estudyante dahil dito ay maaring makapag trabaho na ang mga nakatapos ng Grade 12. Malaking tulong ito sa mga gustong makapag trabaho sa ibang bansa.

    -Andrea C. Manalo, St. Vincent

    ReplyDelete
  64. Sa aking palagay, ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa Pilipinas ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o kilala rin bilang K-12 dahil ito ay tatagal sa loob ng 13 taon at sa 13 taon na iyon ay matututunan na ng estudyante nang lubusan ang mga "basic". Bukod pa rito, ganito rin ang sistema sa ibang bansa. Isang dahilan kung bakit kailangan ang K-12 lalo na sa mga may balak magtrabaho sa ibang bansa ay halimbawa, ikaw ay nagtapos ng Nurse dito sa Pilipinas ngunit Domestic Helper ang naging trabaho mo sa ibang bansa. Kaya ganoon ay dahil para sa mga ibang bansa, kulang pa ang nalalaman natin dahil noon ay 11 taon lamang ang Basic Education at kulang ang taon ng pag-aaral. Ibig sabihin, mas mababa sa totoong trabaho na gusto mo ang magiging trabaho mo sa ibang bansa.

    - Sheila Mae Reyes

    ReplyDelete
  65. Sa aking palagay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas tinatawag ngayon na K-12 ito ang pinaka angkop na sistema na edukasyon ang naipatupad sa ating bansa sa dahilan na ang karagdagan na dalawang taon sa pag aaral ng mga estudyante ay malaking tulong para madagdag pa ang kaalaman ng mga estudyante. Dito din ay may "STRAND" tulad ng HUMSS, ABM, STEM GAS para malaman ng mga estudyante kung anong kukunin nilang trabaho pag laki.

    Angeline B. Cruz
    St. Isabel

    ReplyDelete
  66. Para sa akin, ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na naipatupad dito sa Pilipinas ay ang sistema sa kamay ng mga Pilipino. Nang dahil dito ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng Pilipino na makapag-aral ng mabuti at maayos at isa pa ditto ay yung programang ipinatupad na programa o curriculum na Enhanced Basic Curriculum o mas kilala bilang K-12 Curriculum. Bilang isang magaaral ay masasabi ko na ito ang pinaka-angkop dahil kung ating oobserbahan ay tinutulungan nito ang mga estudyante na maging mature ang pagiisip bago pumasok sa mundo ng pagkokolehiyo at pati na rin sa mundo ng pagtatrabaho. Gamit ang dagdag na dalwang taon ay nahahasa ang mga kakayahan at nahahanda ang mga estudyante sa pagpasok sa kolehiyo. Mas tinutulungan nito na makapagisip at makapagdesisyon ng tama at naayon sa kakayahan sa kung anong programa o kurso ang kukunin sa kolehiyo. Sa pamamagitan din nito ay nagagawa nating sumabay globally o nakakasabay tayo sa ibang bansa at hindi na napagiiwanan. Malaki rin ang dulot at maidudulot nito hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa ekonomiya ng ating bansa. Ito ay makakatulong sa mga estudyante para makakuha ng mas magagandang oportunidad na makakahanap ng trabaho sa murang edad na angkop sa kinuhang track. At mas mapapadali din ang pagkuha ng trabaho sa ibang bansa.
    Ito ang pinakangkop na sistema dahil mas makatutulong ito sa pagunlad ng kalidad ng edukasyon at pati na rin pag-unlad ng ekonomiya ng bansaa at sa pag-unlad ng bawat isa.

    ReplyDelete
  67. SA IYONG PALAGAY ANO ANG PINAKA-ANGKOP NA SISTEMA NG EDUKASYON NA NAIPATUPAD SA BANSA?
    Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang ENHANCED BASIC EDUCATION CURRICULUM o mas kilala bilang K-12 PROGRAM. Dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon at magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na rin sa pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10-taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ito ang programang ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan tayong mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ganito na rin kasi ang programa sa mga bansang maunlad sa buong mundo. Maraming mga estudyante at mga magulang ang unang tumatanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang iminumungkahi ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki at napakalalim ng kakailanganing reporma at pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutol at pag-aagamagam, naituloy rin ang mahalagang pagbabagong ito sa Philippine education. Nakatutulong din ang programang ito upang maging isang Globally Competitive ang isang Pilipino. Nakatutulong ang pagiging Globally Competitive ng isang Pilipino sa kanilang pagtatrabaho sa iba't ibang mga bansa na tumatalima sa 12 taon na Basic Education. Nagkakaroon ng maraming oportunidad na makatanggap ng trabaho ang mga tao o ang mga Pilipino. Mas malaki rin ang tsansang matanggap sila sa mga kompanyang nasa ibang bansa dahil nakakasabay na ang Pilipinas pagdating sa aspeto ng edukasyon. Bukod dito ay ang mga estudyanteng nakapagtapos mula sa K-12 ay nagkakaroon ng tsansang makapagtrabaho sa ibang bansa ng trabahong angkop sa kaniyang tinapos.

    – CARIAGA, JULLIANE R. (10-ST. VERONICA)

    ReplyDelete
  68. Sa aking palagay, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad dito sa ating bansa ay ang enhanced basic education o K-12- sapagkat sa pagpapatupad ng karagdagang dalawang taon ng pag-aaral ay makatutulong ito upang magkaroon ng mas malaki at maraming oportunidad ang iyong matatanggap kung ito ay iyong matatapos. Sinasabi ngang ito ay katulad ng sistema ng edukasyon sa ibang mga bansa ibig sabihin ang bansa din natin ay nakikipag-sabayan sa kung gaano kahaba at kalawig ang inaral ng isang estudyante. Nakatutulong din ito sa estudyante sapagkat bago tumapak ng kolehiyo ay meron na silang ideya kung ano ang mga aralin sa kanilang kurso, matutulungan ang mga estudyanteng mag-decide ng kanilang kursong kukunin sa kolehiyo. Batid din natin na marami ding hindi sang-ayon sa ganitong sistema ngunit sa aking palagay ay hindi sayang ang dalawang taon ng pag-aaral sapagkat makatutulong din ito sa pagkakaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.

    ReplyDelete
  69. Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang “Enhanced Basic Education Curriculum” o mas kilala natin sa tawag na “K-12”. Ang programang ito ay makatutulong sa bawat mamamayang Pilipino dahil ang bawat isa ay magkakaroon ng karagdagang kaalaman. Ipinatupad ang programang ito dahil ito ay may layunin na iangat ang ating bansa sa larangan ng edukasyon at ekonomiya ng bansa. Ang edukasyon ay mahalaga dahil ito ay isa sa mga bagay na hindi maaaring manakaw o makuha sa atin ng iba. Sa pamamagitan ng layuning ito, maaari tayong makipagsabayan upang matulungan ang ating bansa. Sa pamamagitan din nito, malalaman ng mga mag-aaral kung ano ba talaga ang kanilang interes at kasanayan upang makapasok sa kalidad at tiyak na kurso sa kolehiyo. Hindi lamang tayo magkakaroon ng kalidad at tiyak na edukasyon, maaari rin tayong makahanap ng disente at magandang hanapbuhay na magdadala sa atin sa kaunlaran ng sarili at ng ating bansa. Maganda rin ang intensyon ng programang ito dahil nagkakaroon ang mga mag-aaral na galing sa pampubliko at pampribadong paaralan ng “voucher” upang makatulong at mabawasan ang pampinansiyal na pangangailangan ng bawat mag-aaral.

    ReplyDelete
  70. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na ang pinaka-angkop na edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhance Basic Education o K-12. Sa Sistema ng edukasyong ito ang isang mag aaral ay gugugol ng 1- taon sa Kinder; 6- taon sa elementarya; 4 taon sa Junior High School at 2 taon sa Senior High School at kung susumahin lahat lahat ay 13 taon ang gugulin ng isang mag-aaral bago pa mag kolehiyo. Nakatutulong ang karagdagang dalawang taon upang mas mahubog at mas mahasa pa ang kakayahan ng ng isang mag-aaral para mas maging handa siya pagdating nya sa kolehiyo. Hindi lamang sa aming mga mag-aaral nakatutulong ito maging sa ating mgakababayan na nais makapagtrabaho sa ibang bansa tulad ng kanilang propeston na natapos nila dito sa ating bansa. Tumutulong ito na maipantay tayo sa sistema ng edukasyon na mayroon ang ibang bansa. Maaari din nitong mapaunlad ang ating bansa kung mas marami sanang kabataan ang maeenganyong mag-aral dahil ito ay tumutulong sa aming mga magaaralna makatanasa ng may kalidad na edukasyon. Ito rin ay naging batas na noong 2013 ito ang Batas Republika Bilang 10533 o ang " Enhance Basic Education Act. of 2013" kung kaya't sa aking palagay ay marami pang kabataan ang makararanas ng ganitong sistema ng edukasyon dahil mas mahirap ipasawalang bisa ang isang batas kesa magpatupad ng panibago.

    -Jhon Francis C. Rico
    10 - St. Veronica

    ReplyDelete
  71. Para sa akin, ang pinaka-angkop na na sistema ng edukasyon ay ang enhanced basic education curriculum na kilala rin bilang K-12. Nakakatulong ito sa mga mag-aaral sapagkat ang pagdadag-dag ng 2 taong sa sekundaryang edukasyon ay makakatulong sa mga mag-aaral upang palawigin ang kanilang mga kakayahan at kaalaman na makatutulong sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Makakatulong din ito sa pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas dahil kung ang pag-aaralan ng mga estudyante ay ang mga kursong tiyak at nauukol sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo ay tataas ang kalidad ng kanilang kaalaman. Dahil din sa K-12 ay maiiwasan ang diskriminasyon sa mga nagtapos sa Pilipinas na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa dahil masasabi nating sapat na ang panahon ng pag-aaral ng ating mga mag-aaral.

    ReplyDelete
  72. Para sa akin, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon ay ang "Enhanced Basic Education Curriculum" o k-12 na siyang sistemang kasalukuyan nating ginagamit. Dahil sa sistemang ito ay tayo ay naka align na sa sistema ng edukasyon sa ibang bansa at tayo ay hindi napag iiwanan ng mga ito. Sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon ay mas nadadagdagan ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa kanilang mga kukuning kurso, kung ito ba ay naaangkop sa kanilang kakayahan at kung ito ba ang makapagpapasaya sa kanila. Makatutulong din ito upang maihanda ang mga estudyanteng tulad ko para sa kolehiyo. Itinuturo na dito ang mga bagay na maaaring matutunan o gawin sa kolehiyo tulad na lamang ng thesis. Kung noon na hindi align ang ating edukasyon sa ibang bansa ay kahit nakatapos ka sa kolehiyo at nangibang bansa ay iba ang nagiging trabaho mo doon at kailangan mo pang mag aral muli, ngunit dahil sa k-12 ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang tao na maging trabaho sa ibang bansa ang mga kursong kanilang tinapos.

    ReplyDelete
  73. Para sa akin, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon ay ang "Enhanced Basic Education Curriculum" o mas kilala bilang K-12.Ito ay nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng sekondaryang pagaaral. Nagbibigay ito ng karagdagang kaalaman hindi lamang sa pang akademikong gawain, kundi pati na rin sa iba pang larangan. Dahil rito, nakasasabay na tayo sa paraan ng pag-aaral sa ibang bansa, na maaaring makatulong sa pakikihalubilo sa mga ito, sa oras na ang isang tao ay mag ibang bansa. ito ay nagbubukas rin ng mas magandang oportunidad sa loob o labas man ng bansa. Dahil nga napakahalaga ng edukasyon, mabuti ang magkaroon ang mga mag-aaral ng karagdagan at sapat na kaalaman para sa pakikipagsapalaran sa buhay. Para sa isang estudyanteng tulad ko, makatutulong ito upang maging handa ako sa pagpasok sa kolehiyo. Ang karagdagang dalawang taon ay nagbibigay ng dagdag na panahon upang mapag-isipan ng isang mag-aaral ang kurong nais niyang kuhanin sa kolehiyo. Nakatutulong rin ang Voucher na ibinibigay para sa mga magaaral, parehas na nagaaral sa pampubliko at pampribadong paaralan. Ito ay nakababawas na pagkabahala ng mga magulang para sa karagdagang gastusin sa dalawang taon. Bagaman mas mahaba ang panahon na gugugulin ng isang mag-aaral sa pag-aaral ay tiyak na magagamit ito upang paunlarin hindi lamang ang sarili, kundi pati na rin ang bansa.
    -Umali, Faith Marienne G. (10-St. Mary)

    ReplyDelete
  74. Para sa akin ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na pinatupad ng pamahalaan sa Pilipinas ay ang K-12. Maliban sa pagdadagdag ng maraming kaalaman at pagtuturing narin na bilang paghahanda sa kolehiyo, ay makatutulong din ito sa pag-aapply ng trabaho, hindi lang dito sa Pilipinas, pati narin sa ibang bansa, kaya yun ang dahilan kung bakit ito pinatupad ng Pilipinas dahil ang Pilipinas noon ay nahuhuli pagdating sa edukasyon sa bilang ng taon kaya tinupad ang K-12, nagdagdag ng dalawang taon(Senior High School), at sa ngayon ay nagiging maayos simula noong tinupad ito.

    ReplyDelete
  75. Sa aking opinion mas naangkop ang k-12 dahil dito nakapaloob ang mga aralin na dapat mo munang intindihin bago pumunta sa kolehiyo. Mas lalong mabibihasa ang mga mag-aaral sa mga gawain. Kahit na hindi pa masyadong ready ang ating bansa sa k-12 ay mas mahalaga ang layunin nito na hindi lang makisabay sa edukasyon ng ibang bansa kundi makapagbigay ng dagdag impormasyon at kaalaman at maihanda ang mga magaaral para sa kolehiyo. Lalo na sa mga gustong mag trabaho sa ibang bansa na minsan ang requirements ay tapos talaga kaya mas maganda ang k-12.



    ReplyDelete
  76. Para sa akin sa kasaysayan, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o K-12. Bakit? Eto ay lubos na makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa pamahalaan. Makatutulong sa mga mag- aaral sa paraang ang kanilang matutunan ay mas magiging malawak kumpara noon, mas nagagamit ang kanilang kakayahan sa mga bagay bagay at mas magpapaunlad ng kanilang abilidad. Magkakaroon din ng panahon ang isang estudyante para pag-isipan ang daang kanyang tatahakin sa Kolehiyo. Maari na ring magtrabaho pagkatapos ng Senior High School. Sa kabilang banda, makatutulong rin ito sa pamahalaan. Naililinya ang Pilipinas sa ayon ng taon na kailangan tapusin ng isang bata. Isa pa kapag ang mga nagkamit makatapos sa pag-aaral na dumaan sa ilalim ng K-12, madali silang mabibigyang oportunidad hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa ibang bansa na angkop sa kanyang tinapos. Dahil dito mapatataas ang takbo ng ekonomiya kung maraming mag-aaral ang nakapagtapos at nagkaroon ng magandang trabaho.Ang mga pantulong penansyal din para sa mga mag-aaral na mula sa pamahalaan ay higit na makatutulong tulad ng CHED, ESC atbp.Subalit mahaba habang panahon ang pagdaraanan ng mga estudyante, ngunit ang sa bandang huli ang tagumpay ay malalasap ng bawat isa.

    ReplyDelete
  77. Sa aking palagay, ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o K-12. Sa K-12, nakakasabay ang sistema ng ating edukasyon tulad ng sa ibang bansa. Mas nabibigyang oportunidad sa trabaho sa ibang bansa ang mga taong nakapagtapos ng K-12 dahil ito ay naaayon sa kanilang pamantayan. Natutulungan rin ng K-12 ang mga estudyante na maging bihasa sa larangan na kanilang pipiliin o tatahakin. Layunin nito na maihanda ang bawat estudyante sa propesyon na kanilang pinili. Binibigyang pansin ng K-12 na mabigyan ng sapat na karanasan ang mga estudyante para sa kanilang hinaharap. Nadagdagan man ng dalawang taon ang ating pagaaral ay marami naman itong banepisyo sa atin. Nagkakaroon tayo ng moderno at kalidad na edukasyon gaya ng sa ibang bansa. Nakatutulong tayo sa ekonomiya ng ating bansa at mas nagiging handa tayo para sa ating hinaharap.


    -Julianna Maldonado (10-St.Veronica)

    ReplyDelete
  78. Para sa akin, ang pinaka na pinatupad na sistema sa ating bansa ay ang sistema ng Enhanced Basic Education Curriculum o K-12 dahil ito na ang nakasanayan ng mga kabataan o bagong henerasyon ngayon sa ating bansa. Ito ay nagbibigay gabay sa mga estudyante na handain ang kanilang mga sarili para sa kolehiyo. Para sa akin, ang sistemang ito ang nagpapaunlad sa ating bansa at ganoon na din sa ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng sistemang ito, nagkakaroon tayo ng pagasa na lalo pang umunlad para sa hinaharap ng ating bansa at ganoon na rin sa ating mamamayan.

    -Gwen Yrys C. Recodo (Grade 10 - St. Vincent)

    ReplyDelete
  79. Sa aking palagay, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas kilala sa tawag ng K-12 na kung saan nagkaroon ng labintatlong basic education curriculum. Sa pagpapatupad ng basic education curriculum na ito, mas mabibigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para mas pahusayin pa ang kanilang kakayahan at maihahanda rin sila para sa kolehiyo. Isa pa ay makukuha nila ang gusto nilang trabaho sa ibang bansa kapag nakapagtapos sila sa ilalim ng Curriculum na ito. Makakatulong rin ang dalawang taon na idinagdag para makapag desisyon ng mabuti ang mga nakapagtapos kung anong kukunin nilang kurso pagdating nila ng kolehiyo. Ang K-12 ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa at sa pagpapaunlad nito. Ito ang pinaka angkop sapagkat mas malilinang ang kaisipan, kakayahan at konsepto na kailangan ng estudyante pagdating ng tertiary o ng kolehiyo. 'Ang kabataan ang pag asa ng bayan'. Sa pagpapatupad ng K-12 ay maaaring mapatunayan natin na ang kabataan ang pag asa ng bayan sapagkat ang kabataan na nakapagtapos ng pag- aaral ay ang magpapaunlad sa Pilipinas. ����

    -Lasig (10- St. Vincent)

    ReplyDelete
  80. SA IYONG PALAGAY ANO ANG PINAKA-ANGKOP NA SISTEMA NG EDUKASYON NA NAIPATUPAD SA BANSA?

    Enhanced Basic Education Curriculum (K-12) ang pinaka-angkop sa lahat ng sistema ng edukasyon ang naipatupad sa ating bansa sapagkat matutulungan nito na mabihasa at mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral sa dalawang taon na paglalaanan pa nila at kursong nais nilang piliin. Nakakatulong din ito sa mga undecided o wala pang maisip na kurso ang mga estudyante at layunin din ng K-12 na ihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo at maipantay ito ang sistema ng edukasyon na mayroon ang ibang bansa.
    Dito masasabing mas mabibigyang lawak at rami ng oportunidad na trabaho dito at sa iba't ibang bansa ang mga mag-aaral pagtapos nila ng pag-aaral. Maraming mga magulang ang hindi sang-ayon dito at sinasabing dinadagdagan lamang nito ang kanilang gastusin ngunit kung titingnan din natin ang magandang intensyon ng progamang ito o K-12, binibigyan nila ng Voucher ang bawat mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan kung saan natutulungan nito na mabawasan ang pinansyal na pangangailangan o bawasan ang gastos ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Bagama't mas lalo nitong dinagdagan ang panahon na gugugulin o ilalaan ng bawat mag-aral sa kanilang pag-aaral ngunit napapaunlad nito ang kanilang sarili at ang ating bansa.

    Abrogina, Gabriel Ericson A.
    10 - St. Veronica

    ReplyDelete
  81. Para saakin ang pinaka angkop na sistema ng bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum or K-12 dahil para sakin mas nabibigyan pa ng kaalam ang mga kabataang katulad ko na mapalawak pa ang mga kaalaman at dito ang dalawang taong pag tuturo ay mas makakapag isip ka rin na kung ano talagang kurso ang kukunin sa kolehiyo at may oportunidad tayo na makapag trabaho sa ibang bansa na mapapadali na lamang ito. At sa sistemang Ito ay maaaring ang mga kabataan ngayon ang pag aasa ng ating mamamayan.

    -arabella chavez
    (10-St.Vincent)

    ReplyDelete
  82. Ayon po saaking naintindihan ang Enhanced Basic Education Curriculum or K-12 ay angkop dahil mas hinahasa ng sistemang ito na mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga indibidwal na magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng araw dahil dinagdagan nila ng 2 taon ang pagaaral ng isang indibidwal upang mabigyan sila ng magandang oportinidad na pumili ng nararapat na kurso para sa kanila.

    -Kim Lloyd G. Colminas
    (St.Vincent)

    ReplyDelete
  83. Ano nga ba ang pinaka-angop na sitema ng edukasyon sa ating bansa?

    Kung ako ang tatanungin, pipiliin ko ang Enhanced Basic Education Curriculum o K-12.Ang K-12 Kurikulum sa Pilipinas ay naghahanda ng mga mag-aaral na sumali sa workforce kaagad pagkatapos ng pagtatapos. Ang layunin ng karagdagang 2 taon ay upang mailantad ang mga mag-aaral sa mga praktikal na aplikasyon ng mga teorya. Ito ang maghahanda sa kanila upang makakuha ng trabaho kahit na walang degree sa kolehiyo. Ito ay kapaki-pakinabang
    sa mga mag-aaral na ang mga pamilya ay hindi kayang ipadala sila sa kolehiyo, dahil sa grade 11 at 12 ang mga mag-aaral ay tinuruan ng mga kasanayan na maaaring humantong sa kanila sa trabaho o magsimula sa kanilang sariling.
    Ang sampung taong kurikulum ay simpleng hindi sapat lalo na sa modernong konteksto. Gayunpaman, ang bagong K-12 system ay nagbibigay ng mas maraming oras para sa higit pang nilalaman na maituro at ang mga mag-aaral upang manatili sa paaralan nang mas mahaba kaysa sa pagpili ng mga negatibong impluwensya pagkatapos ng kanilang pagtatapos sa murang edad.

    ReplyDelete
  84. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas kilala bilang K-12 Curriculum kunh saan dinagdagan pa ng dalawang taon ang sekundarya, ang tinatawag na senior high school ngayon. Noong una, marami ang di sumang-ayon sa pagpapatupad nito dahil dagdag gastos at pagod, ngunit di nila alam na isa ito sa maaaring magpataas ng ekonomiya ng bansa. Angkop ito dahil karamihan sa mga kabataan ay hindi sigurado sa kukuhaning kurso kaya rin ito ipinatupad uoang ihanda ang mga estudyanteng papasok na sa kolehiyo. Labindalawang takn ang kinikilalang basic education sa ibang bansa kung kaya't ninais ng pamahalaan na ipantay ang sistema ng edukasyon sa bansa. Nagkaroon ng rin ng integrasyon ang sistema ng edukasyon sa bansa na maaaring makatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.

    -Sheena Althea Layco

    ReplyDelete
  85. Para po sakin ang pinaka angkop na sistema ng education na naipatupad sa ating bansa ay ang K-12 o ang Enhance Basic Curriculum. Sa K-12 ay mas humaba pa ang panahon na amming ipag aaral ngunit para saakin ay maganda ito. Ang K-12 ay inihahanda tayo para sa college, kahit naman dati na wala pang K-12 ay inihahanda na den ang mga magaaral para sa college ito ay kapag 3rd year at 4th year highschool na pero mas maganda yung inuunti unti ang pagbibigay ng mga aralin. Hindi lahat ng magaaral ay matalino o madalibg makaintindi, kung tuloy tuloy ang pagpasok ng mga bagong aralin ay hindi agad ito maiintindihan ng maraming magaaral. Sa k-12 ay nadagdagan ng 2 taon ang pag pasok, grade 11 at 12. Sa grade 11 at grade 12 na ito inihahanda tayo sa pagcocollege ito ang naging katumbas ng pagiging 3rd year at 4th year highschool. Ang 4 na taon sa junior highschool ay maganda ang naging dulot para saakin. Sa 4 na taon na ito ay halos pinapaikot ikot lamang ang mga aralin. Pag paulit ulit ang mga bagay ay madali na itong tandaan, ang nais kong iparating ay dinagdagan ng pamahalaan ng 2 taon upang mas malaman naten o matutunan pa naten ang mga araling pang highschool at isinantabi muna ang paghahanda sa college. Dahan dahan na pagpssok ng mga kaalaman sa mga magaaral at karagdagang taon ng pagaaral sa mga aralin. Sakin bilang isang grade 10 student, oo nakakapanghinayang na kailangan ko pang pumasok ng 2 taon bago mag college pero para sakin di pa den ako handa mag college, sa tingin ko ay napakabata ko pa. Madami ang nagrereklamo, pero mas maganda para sakin na ganto ang sistema ng paaralan ngayon sa bansa. Bukod sa maganda ang dulot nito sa mga magaaral dahil mas maiihahanda ang mga magaaral sa college sa pamamagitan ng pagdadagdag ng taon sa highschool ay makakasabay den tayo sa ibang bansa. Mas madali na makahanap ng trabaho sa ibang bansa kung ikaw ay 6 na taon naghighschool.
    -Bhart Alwyn C. Aguda

    ReplyDelete
  86. Para po sa akin ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang Enhanced Basic Curriculum o ang K-12.
    Ito ay isang sistema ng edukasyon kung saan nagdagdag ng dalawang taon sa pag-aaral. Tunay na magiging magastos ang pagdadagdag na ito ngunit ito rin naman ay magbebenefits sa amin para sa aming kinabukasan. Dito, maihahanda ang bawat mag aaral sa tatahakin nila sa kolehiyo. Karamihan ang iba ay tila hindi pa makapag desisyon sa kukuhanin nila sa kolehiyo kaya isa itong paraan para makatulong sakanilang makapag isip ng husay at madiskubre ang tunay nilang ginugusto. Hindi tayo nakikigaya sa ibang bansa. Ipinapantay lang naten ang ating bansa dahil kung kaya nilang umunlad di hamak na mas kaya rin natin.Sa tulong ng K-12 mas mapapalawak ang kaalaman ng bawat kabataan at mas mabibigyan ng pagkakataong makatulong sa pag angat sa ekonomiya ng bayan. Malay natin, ito ang isa sa maging paraan para mapatunayan nating tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan.

    -KAYLA CORNELIA

    ReplyDelete
  87. Sa aking palagay, ang pinaka angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang K-12. Ang K-12 ay naglalayong pagandahin at baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
    Mahalaga ang K-12, Sapagkat ito ang magbibigay ng karagdagang opurtunidad sa mga mag-aaral upang magkaroon ng mas mabuting trabaho na may kasanayan na at nahubog sa mga bagay patungkol sa magiging trabaho. Sa pagdagdag ng dalawang taon, ay nadadagdagan din ang ating kaalaman. Nakakatulong din ito sa mga kabataan na hindi pa sigurado sa nais niyang tahakin pagdating ng kolehiyo. Sa dalawang taon nadagdag ay hinuhubog na rin tayo nito at hinahanda para sa darating na kolehiyo. Magandang opportunity na rin ito para sa tulad nating mga mag-aaral. Bagaman mas mahaba kaysa sa inaasahan ang ating gugugulin sa pag- aaral ay nag bibigay rin ito ng benefits sa atin. Matutulungan tayo nito paunlarin ang ating sarili at pati na rin ang ating bayan.

    - Ashanti
    - St. Mary

    ReplyDelete
  88. Sa aking palagay, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang Enhanced Basic Education Curriculum o mas kilala bilang K-12. Dahil dito, nagkakaroon ang mga estudyanteng Pilipino ng sapat na panahon upang linangin at mas pagbutihin nila ang kanilang mga kasanayan, matuto ng mas marami pang mga kakayahan na madadala nila habambuhay, at maihanda sila sa tersiyaryong edukasyon. Napakarami kasing mga kaso kung saan nahihirapan ang isang estudyanteng makapamili ng programang kaniyang tatahakin pagtungtong ng kolehiyo. Nagreresulta ito sa pagkawaldas ng napakaraming bagay tulad nang salapi na pinantutustos para sa matrikula, panahon, at marami pang iba. Kaya, napakalaking tulong ang nabibigay ng kurikulum na ito sa mga kabataan. At dahil nga nakakatuklas ng mga bagong kaalaman ang mga estudyante at graduates mula sa kurikulum na ito, nagagawa nilang makipag-sabayan sa global na kompetisyon. Ibig sabihin, hindi nahihirapan ang mga Pilipino na maki-angkop sa mga kasanayan ng iba’t ibang propesyunal galing sa iba’t ibang bansa. Napakahalaga ng K-12 Curriculum sapagkat tumataas ang antas ng edukasyon at kagalingan ng bawat Pilipino.

    ReplyDelete
  89. Para po saakin, ang pinaka angkop na sistema nang edukasyon na naipatupad dito saating bansa ay ang "Enhanced Basic Education Curriculum" o mas kilala ring K-12. Ang pagpapatupad nito ay nagdudulot ng maganda para saaming mga mag-aaral sapagkat ito'y nagdadagdag ng mga kaalaman na hindi namin napagtalakayan sa mga nakaraang taon. Ito'y nagsisilbing paghahanda upang kaming mga estyudante ay maging handa sa kolehiyo. Dito sa K-12 Curriculum natin mahahasa ang ating mga talento at mga kakayahan upang magamit ito sa produktibong pamamaraan.

    ReplyDelete
  90. Para po sa akin, ang pinakaangkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa bansa ay ang "Enhanced Basic Education Curriculum" na mas kilala sa tawag na K-12. Maliban sa dahilang nakakasabay na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa iba pang mga bansa, ang karagdagan nitong dalawang taon ay nagiging isang malaking tulong bilang paghahanda sa programang ating balak kunin o pag aralan sa kolehiyo. Sa dalawang taong idinagdag, bilang isang paghahanda, ay hinahasa na ang mga kakayahan natin at mas tinuturuan pa tayo ng mas maraming bagay na siyang maggamit natin pag pumasok na tayo ng kolehiyo. Sa dalawang taon na ito tayo binibigyan ng option, option na kung saan maaari nating tahakin ang strand at track na angkop sa atin, kung gusto ba natin ng academic track, kung sa tingin natin ay nandito ang strength natin bilang isang mag-aaral, o ang arts and design kung ito ang hilig natin; kung susumahin, dito tayo makakapili or dito tayo nabibigyan ng sapat na oras para gugulin ang dalawang taon sa paghahanda sa ating balak na pag-aralan sa kolehiyo. Meron din ditong strand na kung hindi pa tayo sigurado sa kukunin nating programa sa kolehiyo, ito ang maaari nating kunin, ang GAS. Kumbaga, dito sa dalawang taon, nabibigyan tayo ng time to discover, hindi lang ang mga abilidad natin, kundi pati na rin ang mga bagay na kaya pala nating gawin at matutunan. Though, magiging burden ang dalawang taon na ito, lalo na kung kinakapos sa pera, maaari tayong kumuha ng scholarship para makapag aral sa senior high, dahil ito ay magiging napakalaking tulong sa paghubog at paglinang sa mga kakayanan nating siyang magiging sandata natin upang di lang makapag-aral sa kolehiyo, kundi makatapos ng pagaaral, at makatulog sa pamilya, pati na rin sa ekonomiya.

    Toca, Rainier C.

    ReplyDelete
  91. Para po sa akin, ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad sa ating bansa ay ang “Enhanced Basic Education Curriculum”, kilala rin bilang K-12. Ito ay sa kadahalinang naisabay natin ang sistema ng edukasyon natin sa ibang bansa. Ito ay nagbibigay ng sapat na oras o panahon para matutunan o mapag—aralan ang kakailanganin sa kolehiyo. Ito ay makatutulong rin upang maging bukas ang isip ng mga mag-aaral sa kursong tatahakin sa hinaharap. Ang karagdagang taon ay nagsisilbing gabay. Isa pa ay ang pagpapaulit-ulit ng mga lessons kaya para sa atin ay madali alalahanin ang mga lessons na itinuturo ng mga guro, dahil nga sa mayroon ng ideya, binabalik-balikan pa. Ang K-12 ang isa sa magiging daan ng mga mag-aaral na Pilipino upang umunlad, hindi lang ang ating sarili, pati na rin ang ekonomiya ng ating bansa. Ito ay di lamang ikakabuti ng ating bansa ngunit maging ng mga mag aaral na mapapasailalim nito. Kaming mga estudyante na under sa curriculum na ito ay mag kakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan upang makipag sabayan sa industriya na kung saan isang malaking laban na kakaharapin. Yun lamang po at maraming salamat at marami akong natutunan sa blog na ito. ��


    — Caponpon, Gwyneth Marie Denise D.

    ReplyDelete
  92. Kung ako ang tatanungin, "Enhanced Basic Education Curriculum (K-12)" ang pinaka-angkop na sistemang ipinatupad sa larangan ng edukasyon sa ating bansa. Hindi ibig sabihin nito na isasawalang bahala na natin ang mga nakalipas na sistemang pang edukasyon na ipinatupad noon. Nararapat lamang na isa-isip natin na sa modernong panahong ito, tayo ay nangangailan din ng mas malawak na kalidad ng edukasyon. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang sistemang pang edukasyon natin ngayon ay ang siya ding sistema ng ibang bansa. Bagama't sa sistemang ito ay nadagdagan ang mga taon natin sa pag-aaral, sa sistemang ito din naman tayo mas mahuhubog at mas mahahasa ang ating kaalaman patungkol sa iba't ibang bagay na siyang naghahanda sa atin sa mas kapaki-pakinabang na mga bagay sa hinaharap. Ito ang siyang maghahatid sa atin sa mas magandang kinabukasan at tutulong sa atin upang mas maging epektibong mamamayan patungo sa ikauunlad ng ating sariling sinilangan. Ito po ay ayon lamang sa aking sariling pahayag, maraming salamat po.

    ReplyDelete
  93. Sa aking opinyon ang pinaka-angkop na sistema ng edukasyon na naipatupad dito sa ating bansa ay ang "Enhanced Basic Education Curriculum (K-12)".
    Bukod sa dahilan na naisasabay natin ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon sa ibang bansa, sa pamamagitan din ng curriculum na ito mas napapalawak natin ang ating kaalaman sa iba't-ibang bagay upang mas maging handa tayo pagtungtong natin ng kolehiyo. Mas mabibigyan din ng pagkakataon ang bawat estudyante na malinang pa ang kanilang mga talento at kakayahan. Malaki din ang oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho na ating nais dahil alam natin sa ating sarili na may sapat tayong kaalaman na mula sa dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa hayskul. Malaking tulong din ito sa mga kabataan dahil ang mga nakaraang isyu pagdating sa edukasyon ay malulutasan sa pamamagitan ng K-12 , tulad na lamang ng pagiging mas sigurado sa kurso at trabaho na tatahakin pagdating ng tamang panahon. Ang mga ito po ay ayon lamang sa aking sariling pananaw o opinyon.
    Lagi nating tandaan na ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan

    -GONZALES, PRINCESS ANNE M.

    ReplyDelete

Post a Comment